“THEA, tatlo pang turon. Bitin ako. Ang sarap talaga ng luto mo.” sabi ni Forong na kapitbahay nila habang nginunguya ang huling piraso ng turon sa bibig nito. “Saglit lang, Forong. Tatlo rin ang binibili nitong si Egoy.” tukoy niya sa isa pa niyang kapitbahay. Isinisilid niya ang tatlong pirasong turon sa plastic labo. Mukhang walang game ngayon sa basketball court dahil kakaunti ang tao. Ang iba ay nakatambay lang. Ang magkakabarkadang sina Forong, Egoy at Teng-Teng ang kaniyang buena-mano. Dakilang suki niya ang mga ito kaya hindi siya magkakandaugaga sa sunud-sunod na pagbili ng mga ito ng turon at pati na rin ng banana que. Nanligaw na sa kanya si Forong pero binasted niya ito. Ayaw niya ng lalaking tadtad ng tattoo sa katawan. Nawawala ang pagkadisente ng isang lalaki kung burdado ang katawan niyon sa tattoo. Pagkabigay niya kay Egoy ng sukli nito ay napansin niyang natigilan sa pagnguya ng turon si Forong, pati rin si Teng-Teng. Nakatingin ang mga ito sa likuran niya. Paglingon niya, si Richard ang nabungaran niya. Mixed emotions battled through her. Saya, excitement at nakakalunod na kaba. Animo may nagwawala sa dibdib niya. “Thea, mauuna na ako. Magre-ready na ako sa laro namin nina Jopet mamayang alas-kuwatro.” saad ni Egoy na halatang umiiwas lang dahil sa pagkakaalam niya ay walang game sa hapong iyon. “Ako din, Thea. Nakalimutan kong labhan ‘yong jersey uniform ko na gagamitin ko sa laban bukas. Kaya mauuna na rin ako. Salamat sa masarap na turon.” sabi naman ni Teng-Teng, gayundin ang paalam ni Forong sa kaniya. Nagmamadaling naglakad palayo sa kaniya ang mga ito. Alam niyang nahiya lang ang mga ito kay Richard. Balita sa kanilang lugar na nanliligaw ito sa kaniya. Sa lugar nila ay walang tsismis na pinalilipas doon nang hindi pinagpipiyestahan ng mga tsismosa. Lalong sumikdo ang dibdib niya nang nasa harapan na niya si Richard at binati siya nito. “Hi, Thea!” “A-ang aga mo yata.” aniya ritong biglang nabulol. Nakakahiya! “Tinapos ko na lahat ng work sa opisina para maaga akong makapunta dito. Nagtitinda ka raw dito sa court sabi ng isang kapitbahay mong napagtanungan ko. Kaya sinundan kita rito. Magtitinda ka pa? Tutulungan na kita.” “Ikaw? Tutulungan mo akong magtinda?” Hindi siya makapaniwalang magagawa nito iyon. Mayaman kasi ito. “Oo naman. Bakit, masama bang tumulong sa iyo?” tanong din nito. “Hindi naman, p-pero…. ang ibig ko sabihin, baka madumihan ang kamay mo. Hindi ka bagay na maging tindero, Richard. Huwag na. Salamat na lang. Nakakahiya sa iyo.” Minasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Pormal na pormal ang kasuotan nito. Mukhang kagagaling nga lang ng opisina. Nakakahiya naman kung mabibilad ito sa araw. “Hindi ako maselang tao, Thea. Gusto kong maranasang magtinda na kasama ka.” sabi nito habang buong paghangang titig na titig sa mukha niya. Tila naninikip ang dibdib niya sa paraan ng pagtitig nito. Inirapan niya ito. Ngiti lang ang iginanti nito. “Bahala ka na nga.” Kung gusto nito, mapipigilan ba niya ito? “Ako na ang magbubuhat ng paninda.” sabi nito. Binitbit nga nito ang basket. Napailing siya. Hindi bagay dito ang magdala ng basket. “Huwag na kaya, Richard.” nag-aalangang sabi niya. Baka isipin ng mga tao na inaalila niya ito. Hindi siya nito pinansin. Sumunod na lang siya rito. Napadaan sila sa tapat ng tindahan ni Nanay Maring. Nakatambay doon ang dalawang baklang sina Mikas at Barbara, pati ang babaeng mukhang bakla na si Magda. Bumili ang mga ito ng tinda niya. Nagawa pang makipag-selfie ni Magda kay Richard matapos nitong maubos ang biniling turon. Nakakatuwang tingnan ang mga ito. “Isunod naman natin ang pagtitinda ng barbeque.” ani ni Richard nang makalayo na sila sa tindahan ni Nanay Maring. Papunta sila sa kabilang purok para doon naman maglako. Kaunti na lamang ang mga iyon. Napamata siya kay Richard. Tutulungan rin siya nito sa pagtitinda ng barbeque? Jusko! Mahihimatay na yata siya sa mga ginagawa nito. Sa wakas ay naubos nila ang tinda niyang turon at banana-que. Nagpahinga muna sila sa lilim ng punong manga. Medyo inaabot siya ng sikat ng araw na sumisingit sa mga dahon. Masyadong mainit ang panahon ng oras na iyon. Hinubad nito ang coat nito at ibinalabal sa kaniya para may panangga siya sa init. Kinilig siya sa ipinakita nito. Tagaktak na ang pawis nito ngunit hindi man lang alintana nito. Inilapag niya ang hawak niyang basket sa malaking ugat ng puno at kinuha niya ang panyo sa bulsa niya. Pinunasan niya ang pawis nito sa noo at sa leeg. “Sabi ko naman sa iyo, hindi madaling magtinda. Nakakapagod. Pinagpawisan ka tuloy.” Sinermunan niya ito sa tigas ng ulo nito. Pinigil nito ang kamay niya sa pagpupunas dito. Napatingin siya rito at nasalubong niya ang matiim na titig nito. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Tumatama sa kanya ang init at bango ng hininga nito. Dahil doon ay bumilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa halos gahibla na lamang ang pagitan ng mukha nila. Halos magdikit na ang dibdib nila. Ramdam niya din ang malakas na pagtibok ng puso nito at niyayanig niyon ang buong pagkatao niya. Kinintalan siya nito ng halik sa gilid ng labi. Nasasalamin niya sa mga mata nito ang damdaming na hindi niya mabigyan ng kahulugan. Dumako ang kamay nito sa likod ng ulo niya at kinabig siya palapit pa upang maglapat ang mga labi nila. It was a silly move to respond to his kiss for the second time without understanding on what kind of relationship they had. Dahil hindi pa niya ito sinasagot. Pero inuudyukan siya ng puso na tugunin ang halik nito. Sinapo nito ang likod ng kaniyang ulo upang mas lalong umigting at dumiin ang halik na pinagsasaluhan nila. Habol nila ang paghinga nang maghiwalay ang mga labi nila. Titig na titig ito sa kanya pagkatapos. Nagyuko siya ng ulo. “Umuwi na tayo, Richard.”
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
this story is amazing
15/09/2024
0nice
09/07/2024
0goodstory
02/11/2023
0Lihat Semua